Anim ang sugatan sa aksidente sangkot ang isang pampasaherong jeep at isang UV express sa Eastbound lane ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, Martes ng umaga.
Sumampa sa center island ang jeep na may biyaheng Fairview – Kalaw, at minamaneho ni Fernando Toroja. Ayon kay Toroja, biglang sumingit ang UV Express at inagaw ang kaniyang linya. Dahil dito, kinabig ni Toroja ang manibela dahilan para sumampa ito sa center island.
Sinegundahan ng mga pasahero ang pahayag ng driver ng jeep na si Toroja. Bigla na lamang daw sumingit ang UV Express na minamaneho ng isang Fernando Pahabay.
Nagtamo din ng galos si Toroba habang ang ilan sa kaniyang mga pasahero ay kabilang sa nagtamo ng sugat at nilapatan ng lunas sa dumating na rescue team./Erwin Aguilon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.