Ika-81 Malasakit Center sa bansa, binuksan na

By Chona Yu September 06, 2020 - 12:37 PM

Binuksan na ang ika-81 Malasakit Center sa bansa.

Ito ay nasa Far North Luzon General Hospital and Training Center sa Luna, Apayao.

Ayon kay Senador Bong Go, ito na ang ikalawang Malasakit Center sa Cordillera Administrative Region.

“Itong Malasakit Center sa Apayao ay pang-81st Malasakit Center na po ito sa buong bansa at batas na ito ngayon. Gaya ng ipinangako natin noon ay mayroon na kayong Malasakit Center po dyan sa inyong lugar” pahayag ni Go.

Ang Malasakit Center ay pet project ni Go.

Ito ay one-stop shop kung saan makakukuha na ng medical at financial assistance ang isang pasyente sa Malasakit center.

Kabilang na rito ang ayuda mula sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office, at PhilHealth.

“Hindi na po kailangan lumabas pa ng mga pasyente tulad noon na naghahanap pa sila ng apat na ahensya, at kung saan opisina nila. Ubos ‘yung pamasahe, ubos pa ‘yung panahon nila sa kakapila. Isang linggo ‘yan pipila, madaling araw pa para lang po humingi ng tulong,” pahayag ni Go.

“Sa Malasakit Center, isang opisina nalang sa ospital mismo sa lugar ninyo ang kailangan ninyong puntahan upang makakuha ng mas mabilis at mas maayos na tulong medikal mula sa gobyerno,” dagdag ng senador.

TAGS: Far North Luzon General Hospital and Training Center, Inquirer News, Malasakit Center, Malasakit Center in Apayao, Radyo Inquirer news, Far North Luzon General Hospital and Training Center, Inquirer News, Malasakit Center, Malasakit Center in Apayao, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.