161 residente sa Eastern Visayas, gumaling sa COVID-19
Nadagdagan ng 38 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Naitala ang 38 bagong kaso mula sa 688 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Partikular sa Leyte, Northern Samar, Samar at Southern Leyte.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 5:00, Sabado ng hapon (September 5), 3,382 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 1,032 o 30.51 porsyento ang aktibong kaso.
161 namang residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 2,325 o 68.75 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.