1,420 face masks, naipamahagi ng OVP sa mga lugar na apektado ng COVID-19

Naipamahagi na ng Office of the Vice President (OVP) ang 1,420 face masks sa mga lugar na lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ibinahagi ni VP Leni Robredo ang mga ginawang face mask.

Nagmula ang mga face mask sa #MasKampante project ng Team Pilipinas na layong makapagbahagi ng 100,000 reusable cloth masks.

Ginawa ito ng iba’t ibang grupo ng mga mananahi.

Partikular na nabigyan nito ang mga frontliner, mga pasyenteng apektado ng COVID-19, locally-stranded individuals, at ilang walang tirahan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Maliban sa face mask, nagbigay din ang OVP ng mga pagkain at inumin.

Read more...