56,044 pang OFW, nagnegatibo sa COVID-19

Mahigit 56,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang lumabas na negatibo sa COVID-19, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Base sa datos, 56,044 pa ang negatibo batay sa isinagawang RT-PCR test ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs hanggang September 5.

Ayon sa PCG, kabilang sa datos ang mga returning overseas Filipinos, OFW at non-OFW.

Para makita ang karagdagang listahan, maaaring bisitahin ang link na ito:
https://bit.ly/3bvyghi

Maliban pa ito sa naitalang 54,073 ROFs na negatibo sa nakakahawang sakit mula July 8 hanggang 30.

Narito naman ang link ng master list:
https://bit.ly/309ZvJV

Maglalabas ang PRC ng quarantine certificates sa ROFs na makakakumpleto ng mandatory facility-based quarantine at nagnegatibo sa nakakahawang sakit base sa kanilang swab test results.

Ang mga ROF kung saan sinuri ng PRC ang kanilang specimen ay maaaring iberipika ang resulta sa redcross.com.ph/verify at kunin ang quarantine certificates sa resultsplease@redcross.org.ph.

Hindi na rin kailangang mag-register ng ROF sa website ng Bureau of Quarantine (BOQ) na quarantinecertificate.com kapag nasuri na ng PRC.

Read more...