Dalawa pang kawani ng Kamara, nagpositibo sa COVID-19
Tinamaan ng COVID-19 ang dalawa pang empleyado sa Kamara.
Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, ang isang empleyado ay nakatalaga sa Oversight Committee at huling pumasok sa trabaho ang empleyado noong September 1 at 2.
Nagpasuri ang empleyado matapos makaranas ng
chills, sipon, at pagkawala ng pang-amoy.
Ang ikalawang empleyado naman ay mula sa Information and Communications Technology Service na huling pumasok sa trabaho noong August 24 at 26.
Sumailalim sa pagsusuri ang empleyado makaraang magkaroon ng lagnat, body malaise, ubo, at kawalan ng pang-amoy.
Ani Montales, ang dalawa ay hindi close contact ng mga kumpirmadong kaso sa Kamara.
Patuloy na aniya ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng dalawa.
Sa huling datos hanggang September 5, nasa 13 na ang kabuuang active COVID-19 cases sa Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.