Sa severe weather bulletin bandang 11:00 ng umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 1,080 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon dakong 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hangin aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kilometers per hour.
Tinatahak nito ang direksyong pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Inaasahang patuloy na babagtasin ng bagyo ang nasabing direksyon hanggang sa makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), Sabado ng gabi.
Sinabi ng weather bureau na posibleng mapanatili ang lakas nito sa susunod na 24 hanggang 36 oras bago unti-unting humina habang lumalapit sa mainland Japan.
Wala namang direktang epekto ang bagyo sa bansa.
Ngunit, nakataas ang gale warning sa seaboards ng Batanes at Cagayan.