Ngayon buwan ng Marso tatlong astronomical events ang masasaksihan sa bansa.
Base sa ipinalabas na advisory ng State Weather Bureau, sa Marso 9, araw ng Miyerkules, ay magkakaroon ng total solar eclipse bagamat dito sa bansa ay partial solar eclipse lang ang maoobserbahan, partikular na sa Mindanao, kung saan masasaksihan ang 80 porsiyentong solar eclipse.
Samantala sa Luzon at Visayas naman ay 30 to 60 percent at 60 to 70 percent eclipse obscuration o ang malilikhang lawak nang pagtatakip ng buwan sa araw.
Sa Marso 23, araw din ng Miyerkules, naman ay mangyayari ang penumbral lunar eclipse na magsisimula sa pagpasok ng buwan sa penumbra sa ganap na ala-5:37 ng hapon at magtatapos sa ganap na alas-9:57 ng gabi.
Ito ay masasaksihan din sa America, Oceania, Austral-Asia at Asia.
Sa pagitan ng dalawang astronomical events na ito ay ang vernal equinox spring, sa Marso 2-, linggo ng palapas, kung kailan ay magkasinghaba ang araw at gabi sa Northern at Southern Hemisphere ng mundo.