Dalawang suspek ang kinasuhan sa pamamaril sa Saudi attache
Pormal nang kinasuhan sa prosecutors office ang dalawang naarestong suspek kaugnay ng pamamaril sa dalawang Saudi attache sa Western Mindanao State University.
Sangayon sa ipinarating na update ng Zamboanga City PNP, naihain na umano sa piskalya ang kasong two counts ng frustrated murder at attempted murder laban kina Junaide Cadir, 36 yo taga Taguiti, Zamboanga City, at Mujer Abubakar, 31 yo taga Khamis Sta Barbara Zamboanga City
Naaresto sa mismong compound ng Western Mindanao State University ang dalawa habang napatay ng security escorts ng dalawang biktima ang gunman.
Patuloy na nagpapagaling pa ang mga biktimang sina Dr Asidh Al Qarni at religious attache na si Turki Assaegh dahil sa tinamong tama ng bala dahil sa pamamaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.