PNoy hindi pa nakakapili ng papalit sa magreretirong PAF Chief

By Ruel Perez March 04, 2016 - 08:39 PM

PAFWala pang napipili si Pangulong Aquino hanggang sa ngayon na papalit sa magreretirong Commanding General ng Philippine Airforce na si Lt Gen Jeffrey Delgado.

Ayon kay AFP Spokesman Brigadier Geneneral Restituto Padilla,naisumite na nina AFP Chief of Staff General Hernando Iribberi at Defense Secretary Voltaire Gazmin ang mga pangalan ng mga kwalipikadong opisyal ng PAF na kanilang inirekomenda kay Pangulong Aquino para susunod na Commanding General ng PAF.

Ani Padilla, nakapanayam na umano ng Pangulo ang kanilang mga inirekomenda pero nanatiling wala pa rin itong desisyon para sa papalit sa pwesto ni Delgado na nakatakdang magretiro ngayong buwan.

Samantala, itinakda naman ang change of command ng PAF sa March 9 2016 sa Fernando Air Base, Lipa City Batangas para sa pagreretiro nga ng heneral na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa March 20 sa edad na 56 yrs old.

Paliwanag ni Padilla, mas pinaaga ang change of command dahil sa umiiral na election ban on appointments.

TAGS: NewPAFChief, pangulong aquino, Philippine Air Force, NewPAFChief, pangulong aquino, Philippine Air Force

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.