Bilang ng COVID-19 recoveries sa Laguna 5,494 na

Tumaas pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 recoveries sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Biyernes, September 4, 3PM), 5,494 ang naitalang bilang ng mga nakarecover o gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nanatili sa 168.

Ang bilang naman ng active cases ay nasa 2,904.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 8,566.

Samantala, nasa 4,974 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

Read more...