Pagtaas ng revenue collection ng gobyerno inaasahan sa taong 2021

By Mary Rose Cabrales September 04, 2020 - 07:33 PM

Naniniwala si Finance Secretary Carlos Dominguez na makakabawi ang bansa sa revenue collection sa gitna pa rin ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang P4.5T national budget sa sususnod na taon, sinabi ni Dominquez na inaasahan nila na makaka-recover ng bahagya ang revenue collection sa 2021 na tinatayang aabot sa P2.7 Trillion at tataas pa sa P3 Trillion sa 2022.

Iginiit ng opisyal na malaking tulong sa pagtaas ng kita ng pamahalaan ang koleksyon mula sa TRAIN Law.

Sabi ni Dominquez, base sa kanilang projection ay aabot lamang sa P2.5 Trillion ang revenue collection ngayong 2020 mas mababa kumpara sa P3.1 Trillion na kinita noong 2019.

Nitong 2019 aniya ay tumaas sa 91% ang revenue collection sa ilalim ng TRAIN law o katumbas ng 14.5% ng GDP noong nakaraang taon na siyang itinuturing na ‘best performance’ sa loob ng 22 taon.

Itinutulak naman ni Dominguez ang pagapruba sa mga panukala tulad ng CREATE, FIST at GUIDE ACT na sesentro sa pagbangon at pagbibigay suporta sa mga Pilipino sa gitna ng pandemic.

Binigyang diin din ng kalihim ang tuluy-tuloy na implementasyon ng Build, Build, Build program dahil ito ang may pinakamalaking multiplier effect sa pagsigla ng ekonomiya.

 

 

 

 

TAGS: Department of Finance, Revenue collection, train law, Department of Finance, Revenue collection, train law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.