Nakahanap ng kakampi kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga tutol sa maagang pagpapalaya kay dating US Marine Corporal Joseph Scott Pemberton.
Tiniyak ni Guevarra na kokontrahin niya ang pagpapalaya sa pumatay kay Filipina transgender Jennifer Laude.
Kasunod na rin ito nang paghahain ng motion for reconsideration ng kampo ni Laude para mapigilan ang pagpapalaya na kay Pemberton.
“The DOJ will file its own motion for reconsideration next week,” sabi ni Guevarra at aniya umaasa siya na kakampi sa kanila ang Office of the Solicitor General.
Samantala, itinigil na muna ng Bureau of Corrections ang pag-proseso sa pagpapalaya kay Pemberton, na nahatulan ng hanggang 10 taon pagkakakulong noong 2015 matapos litisin sa kasong homicide.
Ipinag-utos ng Olongapo RTC Branch 74 ang pagpalaya kay Pemberton matapos malaman na higit ng 10 taon na itong nakakulong dahil sa kanyang good conduct time allowance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.