Pang-20 Molecular Laboratory ng Red Cross binuksan sa Zamboanga City
Pinasinayaan na ang Molecular Laboratory ng Philippine Red Cross sa Zamboanga City.
Ang pang-20 Molecular Laboratory ng Red Cross ay matatagpuan sa Pettitt Barracks sa naturang lungsod.
Mayroon itong 2 PCR machines at isang extractor at may testing capacity na 2,000 tests per day.
Maliban sa mga residente sa Zamboanga City makikinabang din sa laboratoryo ang mga residente sa buong Zamboanga Peninsula at mga kalapit na lalawigan sa BASULTA, Dapitan, Dipolog, Isabela at Pagadian.
“We cannot beat this invisible enemy unless we unmask it and we can only do that by testing our people,” ayon kay Red Cross Chairman, Senator Richard Gordon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.