Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Biyernes, September 4) , nasa 10,113 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 74 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,081 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon pa sa DFA, 6,275 naman ang naka-recover o na-discharge na sa ospital.
Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nasa 757.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,975 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 1,168 confirmed COVID-19 positive cases.
Nasa 1,172 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 798 sa Americas.