Ilang lalawigan patuloy na uulanin ayon sa PAGASA
Makararanas pa rin ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan sa Metro Manila.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 4:01 ng hapon ngayong Biyernes (Sept. 4) katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa sumusunod na lalawigan:
• Nueva Ecija
• Laguna
Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Tanay, Rizal; General Nakar, Quezon; Porac, Pampanga; Botolan, Zambales; Tamban at Capas Tarlac; at sa Batangas at Cavite.
Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.
Ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslide sa mga bulubunduking lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.