Provincial Capitol ng Nueva Vizcaya isinailalim sa lockdown
Ipinag-utos ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla na pansamantala munang isasailalim sa lockdown ang Provincial Capitol ng Nueva Vizcaya.
Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga Board Members ng lalawigan.
Tatagal ang lockdown hanggang sa September 11.
Habang umiiral ang lockdown, magsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng COVID-19 patient at pag-disinfect sa mga opisina ng Kapitolyo.
Inatasan naman ng gobernador na mag-work from home muna ang mga empleyado, maliban sa mga empleyado ng PIHO, PDRRMO, Provincial Jail at mga security personnel, upang maagapan ang pagkalat ng COVID-19 virus sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.