Ilang lalawigan kalapit ng Metro Manila uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan sa Metro Manila.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 3:12 ng hapon ngayong Biyernes (Sept. 4) katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa sumusunod na lalawigan:

• Quezon
• Pampanga
• Cavite
• Batangas
• Laguna

Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Mayantoc, Tarlac; at Candelaria, at Masinloc sa Zambales.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslide sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

 

 

Read more...