Cebu White Sand sa Manila Bay mas makasasama ayon sa isang environmental group
Sa halip na makabuti, naniniwala ang isang marine conservation advocacy group na mas makakasama pa ang pagtatambak ng white sand sa bahagi ng Manila sa Roxas Boulevard sa Maynila.
Ayon sa grupong Oceana, sinisira ng white sand ang natural ecosystem ng Manila Bay at maaring gayundin sa pinagkukunan ng tone-toneladang puting buhangin.
Sinabi ni Oceana vice president Gloria Ramos nakasaad sa batas, kailangan munang magsagawa ng Enviromental Impact Study process at dapat may environmental compliance certificate para sa mga proyekto na makakaapekto sa kalikasan.
Naniniwala din si Ramos na pagsasayang lang ng pondo ng bayan ang ginagawang pagtatambak ng puting buhangin dahil maari lang itong maanod ng malalakas na alon at humalo sa itim na buhangin na aniya ang natural na elemento ng Manila Bay.
Kontra din ang grupong Pamalakaya sa ginagawa ng gobyerno at ayon sa grupo ng mga mangingisda maaaring nitong maapektuhan ang suplay ng nahuhuling yaman dagat sa Manila Bay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.