14 na sasakyan nagkarambola sa Makati, 13 ang sugatan

By Jan Escosio September 04, 2020 - 02:17 PM

Labingisang motorcycle riders at dalawang back riders ang nasugatan nang banggain ng isang pampasaherong bus ang isang kotse at isa din bus sa bahagi ng Osmena Highway sa Makati City.

Isinugod sa Ospital ng Makati, Makati Medical Center at St. Luke’s – BGC ang mga sugatan.

Base sa ulat, nakahinto ang mga sasakyan dahil pula ang ilaw ng traffic light sa South-bound portion ng Osmena Highway kanto ng Arnaiz (Pasay Road).

Ayon kay Marlon Yandug, driver ng Pitbull Bus (TYF 328), nawalan ng preno ang kanyang bus kayat nabangga niya ang Ford Focus (ZPU 157) at JAC Liner Bus (TYV 322), na kapwa nabangga naman ang 11 motorsiklo na nasa kanilang harapan.

Lumikha ng matindi trapiko ang aksidente at tumagal ng halos tatlong oras bago naalis ang mga napinsalang sasakyan sa lugar.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

 

 

 

TAGS: accident, mmda, osmena highway, accident, mmda, osmena highway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.