Kamara puspusan ang trabaho sa mga panukala upang makahikayat pa ng foreign investors

Pinag-iibayo pa ng Kamara ang kanilang ginagawang pagtatrabaho para sa mga reporma na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte upang makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan.

Sa joint virtual meeting sa pagitan ng mga miyembro ng US-ASEAN Business Council 2020 Virtual Philippines Business Mission, sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez na ginagawa ng mga mambabatas ang lahat ng paraan para mapadali ang ‘ease of doing business’ at magkaroon ng kaaya-ayang business environment tungo sa mabilis na economic growth.

Inihayag dito ng kongresista ang pagsuporta ng kongreso sa mga plano ng pangulo at nakahanda rin sila sa Kongreso na aprubahan ang mga legislative measures na isinusulong ng Presidente.

Hiniling din ni Romualdez ang suporta ng mga myembro ng US-ASEAN Business Council para sa mga programa ng pangulo.

Nanawagan din si Romualdez ng suporta sa business council para sa pagpapatuloy na maging katuwang sila sa recovery efforts at nation-building sa gitna ng kinakaharap na krisis na COVID-19 pandemic.

 

 

 

 

Read more...