Pinoy nasawi sa nasunog na Oil Tanker sa Sri Lanka

By Dona Dominguez-Cargullo September 04, 2020 - 01:54 PM

Isang Pinoy ang nasawi sa sunog na naganap sa isang Oil tanker sa karagatan na sakop ng Sri Lanka.

Dalawang araw nang nagtutulong ang mga barko at aircraft mula sa Sri Lanka at India para maapula ang apoy sa MT New Diamond.

Kinumpirma ng navy sa Sri Lanka na isang Filipino crew member ng MT New Diamond ang nasawi.

Nagsimula ang sunog sa pagsabog ng boiler sa engine room ng barko.

Ang naturang Pinoy ay unang inulat na nawawala.

Maliban sa isang nasawi, isang Pinoy din ang sugatan na 3rd engineer ng barko.

Hangang Biyernes (Sept. 4) ng umaga sinabi ni Sri Lankan navy spokesman Indika Silva na patuloy pang inaapula ang apoy.

Lulan ng tanker ang 270,000 metric tons ng crude oil na galing sa Port of Mina Al Ahmadi sa Kuwait at patungo dapat ng Indian port sa Paradip.

 

 

TAGS: indian ocean, Inquirer News, News in the Philippines, oil tanker, Radyo Inquirer, Sri Lanka, Tagalog breaking news, tagalog news website, indian ocean, Inquirer News, News in the Philippines, oil tanker, Radyo Inquirer, Sri Lanka, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.