Minaliit ng Amerika ang kakayahan ng North Korea na maglunsad ng nuclear weapon.
Pahayag ito ng Pentagon kasunod ng utos ni Nokor Leader Kim Jong-Un na ihanda na ang kanilang nuclear weapons para magamit ang mga ito anumang oras.
Pero ayon sa isang US Defense Official, hindi nagbabago ang assessment ng gobyerno ng Estados Unidos.
“We have not seen North Korea test or demonstrate the ability to miniaturize a nuclear weapon and put it on an ICBM (Intercontinental Ballistic Missile),” pahayag ng opisyal ng US.
Hindi anya nila nakikita na kayang magpakita ng abilidad ang North Korea para maglunsad ng nuclear weapon at gawin itong intercontinental ballistic missile.
Gayunman ay handa umano ang tropa ng Amerika para sa counter-eliminate strikes kung kinakailangan.
Mayroon anyang extensive ballistic missile defense system ang US at palagi nila minomonitor ang Nokor.