Kinilala ang suspek bilang si Ephraim Tan Yap, 51 taong gulang at nakatira sa Norberto St., Binondo, Manila.
Ayon sa pahayag ni Yap, tatlong linggo na naka-confine ang kanyang tita na si Ginang Fulgencia Tan sa Metropolitan Medical Center at napunta sa kanya ang responsibilidad noong mamatay ang asawa nito.
Dagdag pa ni Ginoong Yap, nilapitan niya ang isa pang suspek na si Mrs. Emerita Decilio at nagpatulong na dalhin ang tiyahin sa Missionary of Charity.
Inabutan pa umano niya si Mrs. Decilio ng P1,500 upang makabili ng pangangailangan ng kanyang tita.
Ayon kay SMaRT Chief Rosalino Ibay Jr., nahaharap ang mga suspek, kabilang ang drayber ng tricycle na inarkila ni Mrs. Decilio na nakilalang si Rogelio Espino, sa kasong paglabag sa Article 275 ng Revised Penal Code o ‘Abandonment of Persons in Danger and Abandonment of One’s own Victim.’
“Nalaman natin na ang victim ay isang Person with Disability at senior citizen. We conducted a follow-up operation na nagresulta sa pagkaka-aresto ng tatlong malefactor natin. Ngayon, haharapin na nila ang ginawa nila,” ayon kay ibay.