178,000 vacant positions sa gobyerno pinuna ni Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio September 04, 2020 - 12:41 PM

Kinastigo ni Senator Imee Marcos ang Civil Service Commission dahil pagbalewala sa mataas na high unemployment rate sa mga ahensiya ng gobyerno.

Aniya tila kinukunsinti pa ng CSC ang sitwasyon dahil sa kabiguan na sertipikahan ang mga aplikante na may eligibility naman na hawakan ang posisyon.

Sinabi ni Marcos na hanggang noong nakaraang taon, halos 178,000 permanent position sa gobyerno ang nanatiling bakante hanggang nitong buwan ng Agosto.

Puna ng senadora ang hindi nagamit na budget para sa pagkuha ng mga karadagang tauhan ay idinedeklarang year-end savings at ito naman ay nagiging bonuses na pinaghahati-hatian ng mga opisyal.

Sinabi nito na may P7.6 billion miscellaneous personal benefits fund sa 2020 budget ang hindi ginagamit para kumuha ng mga karagdagang kawani ng gobyerno.

Binanggit pa nito ang hidwaan sa pagitan ng mga board member ng CSC na isa sa mga dahilan kayat hindi napupunan ang mga bakanteng posisyon.

Pinamamadali din ni Marcos sa CSC ang pagiging regular ng mga contractual employees na matagal na sa kanilang posisyon.

Si Marcos ang magi-sponsor ng 2021 budget ng ahensiya at niya mahihirapan siyang depensahan ito kung hindi pagbubutihin ng CSC ang kanilang trabaho.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Civil Service Commission, csc, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senator Imee Marcos, Tagalog breaking news, tagalog news website, Civil Service Commission, csc, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senator Imee Marcos, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.