Pakikipagtulungan ng Kamara sa clinical studies ng bakuna sa COVID-19 tiniyak

By Erwin Aguilon September 04, 2020 - 12:26 PM

Nakahanda ang Kamara sa makipagtulungan sa pagsasagawa ng clinical studies para sa COVID-19 vaccines upang matiyak na magiging available ito sa bansa oras na magkaroon na nito.

Sa pagdinig ng House Committee on People’s Participation, sinabi ni San Jose Del Monte Rep. Rida Robes, pinuno ng komite na makikipag-ugnayan sila Department of Health at Department of Science and Technology para sa kanilang ginagawang pag-aaral para sa pagsasagawa ng Phase 3 o clinical trials ng covid-19 vaccine na Sputnik V na nadiskubre ng Russia.

“We will help fast track cooperation with the Russian government and our local agencies. We will hold another meeting with the DOH and the DOST for them to brief us on the status of Sputnik V so that we will know if there are concerns that can be addressed so that we can have access to it at the earliest possible time,” saad ni Robes.

Sinabi ni Vladisav Mongush, Commercial Advisor of the Russian Embassy sa pagdinig ng komite na nakatakdang magsagawa ng pagbabakuna para sa covid-19 ang Russia sa kanilang mga medical frontliners sa September 15.

Tinawag din nitong fake news ang mga ulat na nasawi ang anak na babae ni Russian President Vladimir Putin matapos lumahok sa clinical trial ng bakuna.

Iginiit naman ni Tatiana Shlychkova, Minister-Counsellor at Deputy Head of Mission ng Russian Embassy, na ligtas ang kanilang bakuna upang magkaroon ng immunity sa kinatatakutang sakit ang publiko gamit ang human adenovirus vectors na epektibo sa mga pagsusuri sa Middle East respiratory syndrome at coronavirus.

Siniguro din ni Robes ang patuloy na pulong at dialogue na gagawin ng kanyang komite sa pagitan ng mga stakeholders para sa pagdevelop ng bakuna sa COVID-19.

“We want to ensure that as long as their safety and efficacy are proven and established, the Filipino people will have access to the Covid-19 vaccine so that we can all start to recover and move forward,” saad pa ni Robes.

Nauna ng lumagda sa Non-Disclosure Agreement ang Gamaleya Research Institute of Epidemiology, manufacturer ng Sputnik V at ang Philippine Council for Health Research and Development para sa pag-aaral sa bakuna upang magkaroon ng clinical trial sa bansa na inaasahang mag-uumpisa sa October at tatagal ng tatlong buwan.

 

 

TAGS: clinical trial, covid 19 vaccine, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, clinical trial, covid 19 vaccine, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.