Maagang pagpapalaya kay US Marine Lance Corporal Pemberto, “injustice” ayon sa Makabayan Bloc sa Kamara

By Erwin Aguilon September 04, 2020 - 11:15 AM

Nagpahayag ng mariing pagtutol ang Makabayan bloc sa Kamara sa maagang pagpapalaya kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na napatunayang guilty sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude noong 2014.

Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, malinaw na “injustice” sa lahat ng mga kababaihan at sa LGBTQ ang maagang pagpapalaya kay Pemberton.

Sabi ni Brosas na hindi man lang naisailalim talaga sa test ang ugali ni Pemberton dahil ito ay namumuhay ng komportable sa detention facility sa Camp Aguinaldo at hindi man lamang ito nakulong sa New Bilibid Prison.

Para naman kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, dapat muling pag-aralan ng korte ang desisyon at ikunsidera ang apela ng pamilyang Laude.

Sinabi ng kongresista na hindi niya masasabing naparusahan talaga si Pemberton dahil nakakatanggap ito ng specail treatment kumpara sa ibang mga convicted criminals kaya dismayado ito sa desisyon ng korte.

Dahil din sa maagang pagpapalaya kay Pemberton ay muling binuhay ng mga mambabatas ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na itinuturong sanhi ng maraming kaso ng pangaabuso ng mga Amerikano sa mga Pilipina at sa LGBTQ community.

Pinagbasehan ng kautusan ng Olongapo City Trial Court sa pagpapalaya kay Pemberton ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) dahil sa pagpapakita nito ng magandang paguugali habang nakakulong.

 

 

 

 

 

TAGS: breaking news, Inquirer News, lgbtq, Radyo Inquirer, US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, breaking news, Inquirer News, lgbtq, Radyo Inquirer, US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.