Global death toll sa COVID-19 mahigit 870,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo September 04, 2020 - 11:10 AM

Sumampa na sa 873,213 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 191,058.

Sumampa naman na sa mahigit 124,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 66,000.

Sumampa naman na sa mahigit 18.6 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.9 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 191,058
Brazil – 124,729
India – 68,569
Mexico – 66,329
UK – 41,527
Italy – 35,507
France – 30,706
Spain – 29,194
Peru – 29,234
Iran – 21,926

 

 

TAGS: Brazil, covid death, death toll, global death, US, Brazil, covid death, death toll, global death, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.