Presidentiables may kanya-kanyang reaksyon sa bagong survey ng Pulse Asia

By Marilyn Montaño March 04, 2016 - 04:45 PM

presidential debateNagpasalamat ang dalawang presidentiables sa bagong Pulse Asia Survey na nagpapakita na dikit ang kanilang laban.

Statistically tied sina Senator Grace Poe na may 26 percent at Vice President Jejomar Binay na may 25 percent habang parehong 21 percent ang nakuha ng pambato ng administrasyon na si Mar Roxas at ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte at 3 percent ni Senator Miriam Defensor-Santiago.

Pero kahit malaki ang pasasalamat ay inaasahan ni Binay na patuloy ang demolition job laban sa kanya.

Inaasahan ng kampo ng pangalawang pangulo na iigting ng demolition by perception laban sa kanya sa kada pagtaas ng rating nito sa survey.

Samantala, magsisilbi namang inspirasyon para kay Poe ang bagong survey sa gitna ng mga pag-atake sa kanya at kinakaharap nitong disqualification cases.

Naniniwala ang kampo ng senadora na mas maraming tao ang susuporta kay Poe pag narinig ang mensahe nito at
oras na ma-settle ang pagkwestyon sa kanyang kandidatura.

Hindi naman natitinag ang kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa bagong Pulse Asia survey kung saan katabla nito sa ikatlong pwesto ang pambato ng Administrasyon na si Mar Roxas.

Ayon sa tagapagsalita ni Duterte na si Peter Laviña, “steadily advancing” ang rating ng alkalde. Mas lalo anyang naeengganyo si Duterte na magtrabaho dahil sa tiwala ng mga tao sa kanyang political agenda at nais na pagbabago para sa mga Pilipino at sa bansa.

Pero sinabi rin ni Laviña na hindi ipinapakit ng survey ang anila ay totoong sentimyento ng mga Pinoy.

Samantala, hindi naman sumusuko si Senator Miriam Defensor-Santiago sa kabila ng pagiging kulelat nito sa survey.

Itutuloy daw ni Santiago ang laban sa pagka-pangulo para iangat ang ekonomiya ng bansa.

Iginiit ng Senadora na ang mga kandidato sa May elections ay nawalan na ng moralidad para pamunuan ang bansa dahil sa kurapsyon at indecency gaya ng pagkakaroon ng extra marital affairs.

TAGS: binay, duterte, poe, Presidentiables, pulse asia, Santiago, binay, duterte, poe, Presidentiables, pulse asia, Santiago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.