Interior Secretary Eduardo Año negatibo na sa COVID-19

Negatibo na sa COVID-19 si Interior Secretary Eduardo Año.

Ayon kay Año nakuha na niya ang resulta ng kaniyang panibagong swab test at nakasaad na negatibo na siya sa sakit.

Una nang inanunsyo ni Año na nakalabas na siya ng ospital.

Ayon kay Año, sasailalim muna siya sa work from home kahit tapos na ang kaniyang quarantine period.

Si Año ay dalawang beses nang nagpositibo sa COVID-19.

Noong Marso nang una siyang ma-infect sa sakit.

 

 

Read more...