Wala pa ring senyales ng buhay sa search operations sa lumubog na cargo vessel sa Japan

By Dona Dominguez-Cargullo September 04, 2020 - 10:50 AM

Nananatiling walang senyales ng buhay sa nawawala pang mahigit 40 crew ng barkong lumubog sa karagatan ng Japan.

Lulan ng Gulf Livestock 1 ang 43 crew kabilang ang 39 na Pinoy.

Isang Pinoy lamang ang nailigtas at ngayon ay nasa mabuti nang kondisyon.

Ayon sa Japan Coast Guard, tulung-tulong ang apat na eroplano, tatlong barko at dalawang divers para mahanap ang nawawalang mga crew.

Sa inilabas na pahayag ng UAE-based Gulf Navigation sinabi nitong pag-aari nila ang Panamanian-flagged Gulf Livestock 1.

Tiniyak ng kumpanya na patuloy ang pag-monitor sa operasyon at umaasang may matatagpuan pang buhay.

Maliban sa mga crew, lulan din ng barko ang halos 6,000 mga baka na galing New Zealand at dadalhin dapat sa China.

 

 

 

TAGS: East China Sea, Gulf Livestock 1, Inquirer News, Japan, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, East China Sea, Gulf Livestock 1, Inquirer News, Japan, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.