Typhoon Haishen pumasok na sa bansa, pinangalanang “Kristine” ng PAGASA
By Dona Dominguez-Cargullo September 04, 2020 - 09:42 AM
Nakapasok na sa bansa ang Typhoon Haishen.
Ayon sa PAGASA, alas 9:00 ng umaga nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo at pinangalanan itong “Kristine”.
Alas 11:00 ng umaga nakatakdang magpalabas ng weather bulletin ang PAGASA para sa nasabing bagyo.
Una nang sinabi ng PAGASA na hindi magkakaroon ng direktang epekto sa bansa ang Typhoon Kristine.
Malayo kasi ito sa landmass at agad din itong lalabas ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.