India nakapagtala ng mahigit 84,000 na bagong kaso ng COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo September 04, 2020 - 08:49 AM
Nakapagtala ng mahigit 84,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa India sa nakalipas na 24 na oras.
Sa huling datos, ang India ay mayroon nang 3,933,124 na kabuuang kaso ng COVID-19.
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 84,156 na bagong kaso ng sakit sa naturang bansa.
Mahigit 3 milyon na ang gumaling sa COVID-19 sa India, habang mahigit 831,000 pa ang active cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.