Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas 19,160 na

By Dona Dominguez-Cargullo September 04, 2020 - 08:40 AM

Sumampa na sa 19,160 ang buong kaso ng COVID-19 na naitala sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 57 na bagong kaso ng sakit kahapon (Sept. 3).

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, sa 19,160 na total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon, 2,2013 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 1,128 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.

Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 86 dahilan para umabot na sa 15,831 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,662 cases.

601 na lang ang aktibong kaso sa Cebu City.

 

TAGS: Central Visayas, covid cases, covid update, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Central Visayas, covid cases, covid update, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.