Anim na volcanic earthquake naitala sa Bulkang Kanlaon sa magdamag

Nakapagtala ng anim na volcanic earthquake sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag.

Batay sa Kanlaon Volcano Bulletin ng Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, may naitala ring mahinang steaming activity sa bulkan.

Ang sulfur dioxide na na naitala sa bulkan kahapon, Sept. 3 ay umabot sa 376 tonnes/day ang average.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 (Abnormal) sa Mt. Kanlaon at pinayuhan ang publuko na iwasan ang pagpasok sa permanent danger zone ng bulkan.

 

 

 

Read more...