outbrain

Aktor na si Robert Pattinson nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo September 04, 2020 - 06:38 AM

Nagpositibo sa COVID-19 ang British actor na si Robert Pattinson.

Dahil dito, naantala ang produksyon ng “The Batman” na pinagbibidahan ng aktor.

Sa pahayag ng Warner Bros., kinumpirma na isang miyembro ng “The Batman” production team sa Britain ang nagpositibo pero hindi ito pinangalanan.

Sa mga ulat na inilabas ng Hollywood Reporter, Variety at Vanity Fair, kinumpirmang si Pattinson ang COVID-19 positive.

Wala pa ding pahayag mula sa panig ng 34 anyos na si Pattinson.

Tatlong araw pa lang ang nakararaan ng simulan ang shooting para sa “The Batman” sa London.

 

 

 

TAGS: covid positive, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Robert Pattinson, Tagalog breaking news, tagalog news website, the batman, covid positive, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Robert Pattinson, Tagalog breaking news, tagalog news website, the batman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.