Mahigit 1,000 pang Pinoy dumating sa bansa ayon sa DFA
Mayroon mahigit 1,000 Overseas Filipinos ang dumating sa bansa kahapon.
Ang mga Pinoy ay pawang nag-avail ng repatriation program ng pamahalaan matapos na maapektuhan ng pandemic ng COVID-19 ang mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan.
Kabilang sa dumating ang 150 Pinoy galing ng Los Angeles, USA.
Mayroon ding dalawang commercial flights na dumating sa NAIA lulan ang 500 mga Pinoy galing ng Qatar.
Kahapon din dumating sa NAIA ang 200 Pinoy galing sa Dubai lulan ng Emirates flight.
At 180 Pinoy pa na galing naman ng Macau SAR.
Dumating na din sa bansa ang ikalawang DFA-chartered mass repatriation flight mula Lebanon.
Lulan nito ang 361 na mga Pinoy na nag-avail ng repatriation program matapos ang pagsabog sa Beirut Port noong nakaraang buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.