Ayon sa PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,440 kilometers east ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng bagyong aabot ng 165 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 205 kilometers per hour.
Wes Northwest ang direksyon ng bagyo at 15 kilometers per hour ang kilos nito.
Sa sandaling pumasok sa bansa ay papangalanan itong “Kristine”.
Hindi naman inaasahang magkakaroon ng direktang epekto sa bansa ang bagyo.
Patuloy namang naaapektuhan ng Habagat ang extreme Northern Luzon.
Ngayong araw magiging maaliwalas ang panahon sa buong bansa at makararanas lamang ng isolated na mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms. (END)
MOST READ
LATEST STORIES