Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna 3,004 na

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Huwebes, September 3, 3PM), 3,004 ang naitalang bilang ng active cases sa lalawigan.

Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 168.

Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 4,858.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 8,030.

Samantala, nasa 4,974 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...