34 COVID-19 recoveries, nadagdag sa Navotas City

Nadagdagan pa ng 32 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (September 3), umakyat na sa kabuuang 4,408 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 447 ang aktibong kaso o katumbas ng 10.1 porsyento.

34 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 3,837 na ang total recoveries o 87 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili naman sa 124 ang pumanaw o 2.8 porsyento.

Read more...