135 residente sa Eastern Visayas, nakarekober na sa COVID-19

Nadagdagan ng 90 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang 90 bagong kaso mula sa 920 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Partikular sa Leyte, Northern Samar, Samar at Southern Leyte.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Huwebes ng gabi (September 3), 3,249 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 1,168 o 35.95 porsyento ang aktibong kaso.

135 namang residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 2,055 o 63.25 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Read more...