Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 12,317 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Huwebes ng umaga (September 2).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 2,086 o 17 porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
9,799 naman o 79 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod.
432 residente naman o apat na porsyento ang nasawi bunsod ng nakakahawang sakit.
Batay pa sa datos, nasa 13,341 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES