178,508 OFWs, naserbisyuhan sa One-Stop Shop sa NAIA

By Angellic Jordan September 03, 2020 - 09:58 PM

Mahigit 178,000 na ang bilang ng naserbiyuhang overseas Filipino workers (OFW) sa inilunsad na One-Stop Shop sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) hanggang September 2, nasa 178,508 OFWs ang na-accommodate ng One-Stop Shop para maayos na maiproseso ang pagsailalim sa mandatory 14-day quarantine laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 77,467 OFWs ay mula sa Terminal 1 at 68,077 naman sa Terminal 2.

Nasa 32,964 naman ang na-accommodate nito sa Terminal 3 simula noong July 9.

Matatandaang nagsimula ang operasyon ng One-Stop Shop noong April 23.

Ang One-Stop Shop ay ikinasa ng DOTr, Department of Tourism (DOT), Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority (MARINA), Office for Transportation Security (OTS), Manila International Airport Authority (MIAA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine National Police (PNP), at the Bureau of Quarantine (BOQ).

Sa pamamagitan din nito, malalaman ng mga OFW kung anong quarantine facilities ang may bakanteng pwesto pa sa tulong ng Monitoring Charts sa bawat terminal.

TAGS: dotr, Inquirer News, OFW repatriation, One-Stop Shop NAIA, Radyo Inquirer news, dotr, Inquirer News, OFW repatriation, One-Stop Shop NAIA, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.