Bilang ng mga nakapag-enroll para sa SY 2020-2021, higit 24.11 milyon na

Mahigit 24.11 milyon na ang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll sa bansa para sa School Year 2020-2021.

Ito ay base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) bandang 8:00, Huwebes ng umaga (September 3).

Ayon sa DepEd, tinatayang 24,111,368 na ang bilang ng enrollees sa bansa.

Katumbas ito ng 86.76 porsyento ng enrollees noong School Year 2019-2020.

Sa nasabing bilang, 22,099,785 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 1.96 milyon naman ang nasa private schools.

Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay elementarya students na nasa 11,642,184.

Umabot naman sa 7,600,697 ang mga nakapag-enroll sa Junior High School at 2,736,331 sa Senior High School.

Nasa 1,701,268 na mag-aaral ang nag-enroll sa Kindergarten habang 366,744 sa Alternative Learning System.

Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng enrollees.

Read more...