Sen. Bong Revilla: “My quarantine is done”

“My quarantine is done.”

Ito ang inanunsiyo ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kaniyang Facebook account.

Aniya, inabisuhan na siya ng kaniyang mga doktor na maaari na siyang lumabas ng kaniyang isolation room.

“After over a month, I can finally be with my family na walang pangamba whatsoever,” pahayag pa ng senador.

Nagpasalamat naman si Revilla sa Panginoon at sa lahat ng mga nag-alay ng panalangin at alaga para sa kaniyang paggaling sa COVID-19.

“Thank you, Lord for Your healing and grace in helping me get through this. Di ko din alam paano ko ito malalampasan without all of you. Maraming maraming salamat sa inyong pagmamahal at pag-alalay sa akin,” ayon sa senador.

Matatandaang August 9 nang ianunsiyo ng senador na positibo siya sa COVID-19.

Read more...