Typhoon Haishen, inaasahang papasok sa bansa sa Biyernes ng umaga
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name na “Haishen.”
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, huling namataan ang bagyo sa layong 1,610 kilometers Silangan ng Basco, Batanes bandang 3:00 ng hapon.
Wala pa rin aniyang direktang epekto ang bagyo sa anumang parte ng bansa.
Inaasahan aniyang Biyernes ng umaga, September 4, papasok ang bagyo sa Northeastern boundary ng bansa.
Oras na pumasok sa teritoryo ng bansa, tatawagin ang bagyo na “Kristine.”
Samantala, patuloy na umiiral ang mahinang Southwest Monsoon o Habagat sa dulong Hilagang Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.