16 pulis, isang civilian employee positibo sa NCRPO drug test
Nagpositibo sa paggamit ng droga ang 16 pulis at isang empleyadong sibilyan sa ikinasang random drug testing ng NCRPO simula noong nakaraang Setyembre.
Sinabi ni NCRPO director, Police Maj. Gen. Debold Sinas, umabot na sa 20,231 sa kanilang mga tauhan ang sumailalim sa drug test.
Aniya, tatlo sa mga nagpositibo sa drug test, sina Pat Robert Lozano Buenavente; Pat Marcos Guillermo Laggui; at ang contractual employee na si Lucia Agtalao ay napatunayang gumamit ng shabu.
Samantala, ang pinakamataas na ranggo na nagpositibo ay si Police Lt. Rodel Torres, nakatalaga sa Muntinlupa City Police.
Sila ay sasailalim pa sa confirmatory test at iimbestigahan, samantala, ang civilian employee ay pinasibak na ni Sinas.
Diin ni Sinas, ang drug test ay bahagi ng ‘internal cleansing’ sa kanilang hanay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.