Sa pagdinig ng komite, pinagsama-sama ang tatlong panukala na inihain nina Deputy Speaker Mujiv Hataman, Rep. Hooky Adiong, Rep. Amihilda J. Sangcopan, Rep. Yasser Alonto Balindong, Rep. Lucy Torres-Gomez, Rep. Eleandro Jesus Madrona at Rep. Mohamad Khalid Q. Dimaporo.
Ayon kay Hataman, walang inilagay kung magkano ang halaga na ibabayad dahil maaari itong amyendahan ng plenaryo ng Kamara.
Sa pagtaya ng Mindanaon solon, nasa 95 porsyento ang nawasak sa main battle area ng Marawi City na para sa mambabatas ay malaking hamon para sa pamahalaan sa isinasagawang rehabilitation effort.
Sa ilalim ng House Bill 3418 ni Adiong, P50 bilyon ang kailangang ilaan ng pamahalaan sa loob ng limang taon para sa kompensasyon kung saan ang P10 bilyon ay magmumula sa national budget at ang P40 bilyon ay sa Philippine Charity Sweepstakes Office at Philippine Gaming Corporation o PAGCOR.
Base naman sa House Bill Nos. 3543 at 3922, ipinanukala ang P30 bilyon para sa mga apektado ng giyera na kukunin sa pambansang pondo na hahatin sa tatlong taon.
Nakasaad din sa mga panukala ang pagbuo ng Marawi Compensation Board na silang mag-identify at mag-monitor ng legitimate claimants.