Importation policy ng bansa, dapat muling pag-aralan ng DA
Hinikayat ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang Department of Agriculture (DA) na muling pag-aralan ang importation policies na nakakaapekto ngayon sa local market sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Alvarez, kailangang i-review at i-recalibrate ng ahensya ang importation policies ng bansa upang maisalba ang kabuhayan ng local farmers.
Tinukoy ni Alvarez na sa gitna ng kinakaharap ng buong mundo sa health crisis ay bumagsak ang ‘consumer demand’ kasabay ng pagsasara ng restaurants.
Ang mga bansang may mataas na capacity production ng mga produkto tulad ng karne at iba pang surplus perishable goods ay nagbabagsak sa mga bansa tulad sa Pilipinas kung saan nakakaapekto ito sa kabuhayan ng mga magsasaka at local producers.
Ang pagiging maluwag aniya ng gobyerno sa importasyon at kawalan ng regulasyon sa free market ang pumipigil sa lokal na merkado na maging competitive dahil mas mura ang mga imported na produkto at hindi itong kayang tapatan ng local farmers.
Nagbabala si Alvarez na kung hindi ito agad aaksyunan ng ahensya ay tiyak na magco-collapse ang local agricultural sector at magbubunga ito ng ‘domino-effect’ sa pagkawala ng kabuhayan ng mga magsasaka.
Hindi rin aniyang malabo na magsara ang maraming negosyo sa bansa at lumobo ang unemployment kung magpapatuloy ang kaluwagan sa importasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.