Panukala para bigyan ng prangkisa ang San Miguel Corporation para sa pagtatayo ng airport sa Bulacan lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara
Pasado na ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala upang bigyan ng prangkisa ang ang subsidiary ng San Miguel Corp. (SMC) para sa itatayong paliparan sa Bulacan.
Sa viva voce voting, nakalusot ang House Bill 7507 na nagbibigay ng prangkisa sa San Miguel AeroCity , Inc., para magtayo, mag-develop, at mag-operate ng 2,500 hectares na New Manila International Airport.
Nakasaad sa panukala na hindi sisingilan ng direct at indirect taxes tulad ng income taxes, VAT, customs duties, business taxes, franchise taxes gayundin ang iba pang charges sa pagtatayo at operation ng paliparan sa susunod na 10 taon ang SMC.
Nakasaad naman sa profit-sharing agreement ng inaprubahan franchise bill na ang sobra sa 12% ng Internal Rate of Return (IRR)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.